Basahin niyo man to o hindi eh, andito pa din to. :)
Sa kada blog na ginagawa ko. hindi ko alam kung paano ito sisimulan. nahihirapan ako dahil kung hindi madami ang nasa isip ko, eh talagang wala akong naiisip na panimula para dun. may mga oras pa na wala ako sa mood. ang hirap kaya ng ganito, nakakahilo, nakakagago. marahil magtataka kayo kung bakit tagalog ang ginamit ko ngayon, wala lang, trip ko lang. masama ba?
Kukwentuhan ko na lang kayo. :)
Nung bata pa ako, palagi akong pinagbibigyan ng mommy ko sa bawat bagay na gagawin ko. Sa pagtulog, kelangan nya kong palo-paluin sa bandang likod ko para makatulog lang ako, sa pagkain, halos nasa grade 2 na din ako ng itigil ko nang lubusan ang pagpapasubo ng pagkain. at sa pagdede, alam niyo ba? itinapon nya pa sa kanal ung mga chupon ng dede ko para lang matigil na ko sa kakadede at sa halip ay gumamit na lang ng baso sa paginom, grade1 na din ata ako nun. pero lagi naman syang nakaalalay sakin hangang paglaki ko na minsan hindi na maganda ang epekto. tulad ng, hindi ako pwede lumabas ng bahay basta basta. kailangan ko pa magmakaawa para lang payagan ako. kaya medyo may pagkatimang ako, o sabihin na lang natin na may pagkakj. tulad na din ng paggagawa kami ng proyekto sa skul eh, sasabihin nya na lang na bayaran mo na lang sila para di ka na umalis at bibilhan din kita ng gusto mo. ako naman si tamad! pabor na pabor sa kanyang nanay. hangang sa nasanay na ako sa ganun. pero napagtanto ko din na, may mali. pinilit kong baguhin ang itama ang ilang bagay, tulad ng maging independent. independent sa bagay tulad ng pagtulong sa lahat ng bagay lalo na pag ito ay tungkol sa skul. pero independent financially? josko po! malaking isyu sakin yun. hindi ganun kadali ang lahat. may mga oras na nauubusan ako ng pera, at sa huli san pa din ako tatakbo para humingi ng tulong, syempre! sa aking MUDRA!
siguro kaya ganito ako, takot minsan sa mga bagay bagay, kasi alam ko na hindi at walang pahintulot ng mommy ko yun. hirap ako sa mga ganito kasi di ako nasanay na gawin yun. higit sa lahat, Takot akong masaktan, dahil minsan hindi ako sinaktan ng mommy ko emotionally. pinalaki ata ako ng nanay ko na spoiled, pero hindi brat. malaki ang pinagkaiba nun. nakukuha ko kung ano ang gusto ko pero alam ko ang limitasyon ko. hindi ako katulad ng iba dyan na halos maglumapsay na sa kakaiyak para lang makuha ang gusto nila. syempre may sarili akong strategy, at akin na lang yun. hahaha
Sabi din ng mommy ko nung nasa simbahan kami, eh may bagong kasal. sabi nya "nak, gusto ko ikasal ka din sa simbahan, ung tipong ihahatid ka namin ng daddy mo sa altar. nagpakasal ka dahil gusto mo at namin, at hindi dahil sa nabuntis ka lang". wala akong nasabi, natahimik lang ako. naisip ko kagad si ate. ang kapatid kong ubod ng tahinik pero kung umatake eh, bonggang bongga. ika pa nga silent but deadly. sa tingin ko, kaya lang naman nagkaganyan ang ate ko eh dahil sa sobrang paghihigpit ng mommy namin sa kanya. and no wonder kung bakit nagsarili din ang kuya ko. at yun ang iniiwasan kong mangyari. at isa pa, ayokong ikasal at magkaanak. tama magkaanak, mahilig ako sa bata pero ayoko ng ganun. isa pa madami akong pangarap para sa sarili ko. at kung iisa iisahin ko yun, baka bukas pa ako matapos dito. basta simple lang. ayoko ikasal. tapos.
hindi naman masama yung ginagawa ng nanay ko sakin, samin. alam ko na nagagawa nya lang yun nang dahil mahal nya kami at ayaw niya kaming mapahamak. pero sana wag yung sobra, dahil minsan kasi nakakasakal. gusto ko nga din masabi sa kanya to eh, wala lang akong lakas ng loob.
"my, i know you're just doing this things for my own sake. and i understand it, a lot. but there are times that I want to do things independently. I want to grow up. I know things will not be the same anymore, but still i am your little princess, your baby. besides you have your new baby! its just a boy, and im referring to bimbi particularly. ill always love you mom"
tangina! nagdrama na naman si andieday! josko. pag nasimulan nga naman, ang hirap na tapusin. ippublish ko ba ito o hindi? halos duguin ang ilong ko sa paggawa nito. sa mga makakabasa nito, maaring makarelate kayo dito o mas maiintindihan nyo na ko ngayon. ewan ko nga ba, kung bakit ko ginawa to. marahil ako'y tamad na tamad sa bahay. naffefeel ko nga na walang kwenta to eh, pero para sakin meron no! kaw kaya magtype ng ganito kahaba! kailangan ko na palang matulog, magjjoging pa ko bukas. at huwag nyo sabihing maarte ako at madrama, sadyang kasindak-sindak lang talaga ako. in english: Im just simply awesome! LOL. sinearch ko pa yan. goodnight. :)